LOVELY ABELLA FOREVER GRATEFUL KAY MARIAN RIVERA

NI GERRY OCAMPO

IKINUWENTO ni Lovely Abella ang pagiging galante ni Marian Rivera na nagbigay sa kanya ng malaking halaga noong ma-ospital ang kanyang ina.

Ibinahagi ni Lovely sa latest Instagram post nang matapos ang guesting niya sa bagong sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ibinulgar niya ang napakalaking tulong na ginawa sa kanya ni Kapuso Primetime Queen na hinding-hindi na raw niya makakalimutan.


Base sa kuwento ni Lovely, five years ago raw nung ma-ospital ang kanyang ina ay si Marian daw ang kauna-unahang nagbigay sa kanya ng tulong na ayaw ipasabi ng actress.

“Katatapos lang ang guesting ko sa bagong sitcom ni ate yan at kuya dong ang JOSE and MARIA`S BONGGANG VILLA kaya gusto ko lang ishare sa inyo ang KUWENTONG TOTOO! na ayaw ipasabi ni ate yan 5 years ago.


“Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain ng sabay, di kami nagkakausap ng matagal pero noong panahon na nag-50/50 ang mamang ko siya ang kauna-unahang nagbigay ng tulong sakin.

“Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama,” say ni Lovely.


Nagpasalamat siya kay Marian at laging ipinagdarasal ang pamilya nito.

Tags: Lovely Abella

You May Also Like

Most Read