Latest News

Liza Soberano, Nadine pag-uusapan ang mental health issue sa podcast program

Ni Beth Gelena

GUEST ni Liza Soberano ang kaibigan na si Nadine Lustre para sa kanyang “An Open Mind” podcast na ang topic ay tungkol sa mental health.

Mapapanood sa Spotify ang podcast ni Liza ngayong Sunday tungkol sa mga ganap kay Nadine, ang pagtira ng aktres sa Siargao at kung paano niya nalampasan ang mental struggles.

Matatandaang open na noon pa ang aktres na siya ay may anxiety at depression.

Sabi ni Nadine: ” I know how to catch myself now.”

Dahil advocacy nina Nadine at Liza ang makatulong sa may mental health problems, nagtayo sila ng mental health platform “Mind You” kasama si Yassi Pressman para mapabilis ang pag-access sa therapists at psychiatrists of those people who may need them.

Tulad ni Liza and Nadine, si Yassi umano ay may anxiety at depression din.

Tags:

You May Also Like

Most Read