Latest News

Liza plano nang pakasalan ni Enrique

NI BETH GELENA

MASAYANG nakikipaglaro ang celebrity couple na sina Liza Soberano at E rique Gil sa dolphins, ang number tourist attractions ng Ocean Adventure sa Subic.

Naroong i-hug, yakap-yakapin nila ang amazing big fish.

Post nga ng marine theme park: “In behalf of our Dolphin Friends, we would like to thank you Ms. Liza Soberano & Mr. Enrique Gil for your visit.”

May mga post din si Liza na kuha nila Enrique kung saan kinilig ang kanilang fans.

Matagal na rin kasi silang walang nakikitang kilig fotos ang LizQuen.

May isa ngang photo na pinost si Liza na nagtitigan sila ni Enrique with sunset ang background.

At ang isa naman ay tila maghahalikan ang dalawa.

“You make my heart smile,” ang nilagay na caption ng actress.

Sino ba naman ang hindi mai-inlove sa nga photos ibinahagi ni Liza.

Imagine, seven years na silang magnobyo, pero hindi sila nagsasawa na sa isa’t isa kahit araw-araw silang nagkikita.

Nabanggit na ngang minsan ni Enrique na may posibilidad na silang mag-settle down.

“Of course, we want to take it step by step. That’s why we’re getting into business muna. We are thinking about the future, but we have to concentrate on now.”

May teleseryeng mapapanood na muli ang LizQuen fans.

Anyway, regarding sa buntis isyu sa aktres, dedma lang ang celebrity couple dahil parang waley naman katotohanan ang balita.

Tags:

You May Also Like

Most Read