NI WALLY PERALTA
MAHILIG mag-post sa kanyang social media si Kyline Alcantara.
Hindi rinpalapatol sa bashers ang Kapuso actreee, pero nasaling ang kanyang damdamin nang may nagkomento tungkol sa kanyang acting skills.
Kung kilig comments ang nababasa ni Kyline lalung-lalo na sa vlog nila together ng boyfriend na si Mavy Legaspi, may puna sa kanya na tila hindi hindi niya nagustuhan.
Ayon sa post ng isang netizen hindi raw marunong umarte si Kyline.
“Most po na nakakatrabaho ko, sinasabi naman po nila na marunong ako umarte. Oh, I don’t need to prove myself,” sagot ni Kyline.
Pero hindi doon natatapos ang pagmba-bash sa kanya, dahil may dagdag pang komento na ang pangit raw ni Kyline kapag umaarte, as in, hindi siya kagandahan sa screen.
“During heavy dramas, wala po talaga akong pake sa mukha ko, as in, wala talaga akong pake. It’s not about how I look, it’s about how I feel. As long as maramdaman ng audience ‘yung nararamdaman ng character ko at that moment in time, okay na po sa akin ‘yun.
Wala po talaga akong pake kung pangit po talaga ako,” paliwanag ng Kapuso star.