NI WALLY PERALTA
AMINADO ang beauty queen-turned-sexy actress na si Kylie Verzosa na kahit ilang buwan na rin naman silang hiwalay ng dating live-in partner for almost three years na si Jake Cuenca, andun pa rin ang kirot sa kanyang puso sa tuwing maaalaala ang ex-BF.
Inamin ito ni Kylie sa blogsite ng isang sikat na celebrity.
“S’yempre bago pa lang at saka masakit pa rin. Minsan, you can’t, especially kapag pagod ka na hindi mo mahe-help na balikan. Doon ako nalulungkot pa rin.
Alam mo yon? Weird s’ya, e. S’yempre gusto ko ipakita sa tao the best version of myself. Pero minsan I can’t help na makita nila na hindi din ako okay minsan,” kuwento ni Kylie.
Ang isa sa saddest part para kay Kylie sa break0up nila ni Jake ay ang letting go moment niya.
Hindi talaga mapigilan ni Kylie ang maluha habang hinahakot ang kanyang mga naiwang gamit sa naging “love nest” nila ni Jake.
Hindi raw maiwasan ni Kylie na tumulo ang mga luha habang nag-eempake ng mga naiwang gamit sa lugar.
Sa ngayon, back to live independently ulit si Kylie.
“Inayos ko ‘yung condo ko kasi binili ko siya for my family, pero sabi ko ako na lang gagamit,” ani Kylie.