KYLIE SA ISYUNG BUNTIS KAY GERALD: SOBRANG LAYO SA KATOTOHANAN

NI GERRY OCAMPO

Ikinuwento ni Kylie Padilla na mabaliw-baliw siya sa unang lock-in taping nila ng GMA7 TV series na “Bolera” na malapit nang magtapos.


Pero nagpapasalamat siya na kaagad siyang naging comfortable sa mga kasamahan kaya hindi naging mahirap ang adjustment nilang lahat.

“Malaking bagay na comfortable ako, Walang halong showbiz sa amin,” aniya.

Sinabi rin ni Kylie na talagang nag-iba na ang standard niya sa pagtanggap ng trabaho alang-alang sa kanyang mga anak.


“Ayokong masayang ang oras ko na malayo sa kanila kaya talagang dapat iba na ang standard,” say pa niya.

Sa ngayon ay hindi alam ni Kylie ang susunod niyang project sa GMA7 kasi hangga t maaari ay ayaw niyang mababakante.


“Ang weird pero ayokong mabakante. Gusto kong magtrabaho nang magtrabaho,” aniya.

“It`s time na mag-focus naman ako sa career ko dahil quota na ako dun, “ referring sa pakikipagrelasyon matapos ang paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica.


Kaya nga tinatawanan niya ang lumalabas sa kanila ni Gerald Anderson na leading man niya sa pelikulang kinunan sa Switzerland.

“I mean may mga lumalabas nga na sobrang layo sa katotohanan.”

Nag-uusap daw sila ng handler niya kung sasagutin niya ang isyu sa kanila ni Gerald.



“We talk about it kung kailangan kong magsalita, Pero yung iba out of this world na hindi ko na kailangang magsalita,” natatawang sagot ni Kylie sa pagli-link sa kanila ni Gerald.

Ang tanong, kung hindi si Gerald ang ama ng pinagbubuntis ni Kylie (kung totoong pregnant), eh sino ang nakabuntis?

Tags: Kylie Padilla

You May Also Like

Latest News