NI BETH GELENA
Sa social media account ng @Mavxsproductions may ipinost na photo sila ni Gerald Anderson with Kylie Padilla.
Ang caption na nakalagay: “COMING SOON ! #tatakmavx”
Marami naman ang nagkomento na bagay ang dalawang artista na pagsamahin.
Request lang nila ay action sana para mas bagay sa kanila.
May nagsasabi namang: “Gerald Anderson ang lalaking walang pahinga. He’s so blessed.! OMG.”
Which is true naman.
Imagine, ipapalabas pa lang ang katatapos niyang teleserye with Ivana Alawi.
Meron pa rin siyang nakabangko na series with Gigi Lana na mas nauna pa niyang ginawa kesa yung kay Ivana, heto at may bago na naman siyang proyekto.
Pinuna naman ng isang netizen ang larawan aktor with Kapuso actress.
Sarcastic daw ang pagkakangiti ni Gerald sa photo.
May Ge fans syempre na sumagot: “Not sarcasm… wala siyang pahinga dahil sunud-sunod projects niya.”
Ang comment naman tungkol kay Kylie: “ang lakas ng appeal ni Kylie? Grabe siya. Feeling ko mas sisikat siya now.”
“In fairness may chemistry — tisoy at tisay.”














