Hindi pa rin matapus-tapos ang isyu between Sarah Geronimo and Teacher Georcelle ng G-Force.
Nagbigay na rin ng mensahe si Sarah para sa grupo.
Say niya sa isang panayam: “I wanted them to be there to celebrate my 20 years.”
Pinasalamatan din niya ang G-Force, lalung-lalo na si Teacher Georcelle na nakasama niya ng matagal na panahon.
Ayon kay Sarah, kung siya lang daw ang masusunod, gusto niyang kasama ang G-Force sa kanyang 20th anniversary concert.
Wala nang binigay na iba pang detalye ang Popstar Royalty dahil baka raw maiyak pa siya.
Tuloy napa-isip na naman ang netizens sa nasabi ng singer.
“Ano ba talaga ang rason ate?”
“May humarang ba sa G-Force? Sino?”
May nagtanong pa kung “may kinalaman ba ang mister mo na si Matteo?”
Ayon pa sa netizens, sigurado raw na may malalim na pinag-ugatan kaya nag-break sina TG at SG.