Ni GERRY OCAMPO
IMBES na magalit at magdemanda, nagbigay na lang ng mensahe si Kuh Ledesma sa kanyang bashers.
Mensahe niya sa mga nagkalat na siya ay pumanaw na dahil sa atake sa puso: “Naku naman, may lumabas na fake news, ako raw ay nagkaroon ng heart attack, Teka, okey na okey ako. Ang heart ko, very strong.”
“Kasi si Lord ang nagpapalakas sa akin. Huwag po kayong maniwala sa mga ganun. Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa akin. Yung mga fake news na yan, yung mga gumagawa ng ganyan, may balik na masama yan, Huwag ninyong gawin, yan, okey?
“I’m alive. Don’t just believe in a stuff like that, So, if you hear news, make sure to ask before spreading it around, Focus on Jesus, bibiyayaan ka Niya kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa.
“Kaya huwag nating binabalikan ang masama, ang gumagawa ng masama sa atin, okey? Alam ko, gets n’yo yun. Love you, guys,” payo ng singer sa nagkakalat ng fake news.
Well, malaki na talaga ang ipinagbago ni Kuh kumpara noon kanyang kabataan pagdating sa mga naninira sa kanya.
Noon kabataan pa ni Pop Diva Kuh, hindi nito pinalalampas ang mga naninira sa kanya dahil demanda agad ang isasagot niya.