Latest News

KRISTINE HERMOSA SUPER-HAPPY MAGING NANAY SA 5 ANAK

NI BETH GELENA

NO regrets si Kristine Hermosa kung pinili niya ang pamilya kesa ang showbiz career.

Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda sa magandang aktres kamakailan, emosyonal na ibinahagi nito ang sobrang kaligayahan sa pagiging mother.

Ang pagiging ina umano niya ang naging daan kaya niya na-appreciate ang iba pang mga kagaya niyang nanay na.

“Very selfless sila, ‘yung pagmamahal nila. Hindi bale nang mawalan sila ng oras for themselves, (basta they could) serve their children,” say ni Kristine.

Hindi naman daw nagseselos ang mister niyang si Oyo Boy Sotto kung mas nakatuon ang kanyang atensyon sa kanilang limang anak.

Natanong kasi ni Kuya Boy kung hindi ba nagtatampo si Oyo sa.kanilang mga anak.

“Hindi naman Tito Boy kasi alam naman namin ang pinasok namin na once magkaanak kami, it’s a commitment. We just find time na kunyari maluwag, alis kami.”

Giit ni Kristine, hindi niya pinagsisihang mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya kesa sa pag-aartista.

“To be honest, hindi naman siya madali. Maraming challenges pero kapag alam mo kasi na ‘yun ang gusto mo, kapag mahal mo ang ginagawa mo — I love being a mom and a wife — nagiging madali. Ganun talaga kapag nandoon ang puso mo.”

Sina Kristine at Oyo Boy ay ikinasal noong January 12, 2011 at nabiyayaan ng five beautiful children.

Tags:

You May Also Like

Most Read