Latest News

KRIS WALANG CANCER AT DIABETES

NI GERRY OCAMPO

SA latest Instagram post ni Kris Aquino ay may magandang ibinalita ito tungkol sa kanyang kalusugan.

Makikita sa in-upload na short video niya resulta ng ang kanyang tests.


“Marami akong health problems at present but para ma-comfirm how serious they are, kailangan unahin namin yung pinakamalaking hadlang, my allergies and my chronic urticaria. Hindi kasi alam how I`ll react to the dyes needed for tests like CT SCAN. MRI and lahat ng may-gram sa ending,” say ni Kris.

Ang magandang balita, wala siyang cancer at wala rin diabetes at okey naman daw ang function ng kanyang kidney.

“For us na lang yung autoimmune + other health issues ko, better for me to FOCUS on what`s GOOD; cancer is ruled out, kidney function is okay considering all my maintenance meds,” kuwento pa ni Kris.

Nagpasalamat din si Kris sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang paggaling at nakiusap din na ipagdasal ang kanyang pamilya at sina Josh at Bimb.


“Thank you for all your prayers & kind well wishes, but let`s continue praying not just for me BUT for all my loved ones: my family-my sisters, brothers-in-law, mga pamangkin and PLEASE, my 2 sons, Kuya Josh.”

Ayon pa sa TV host, kaya siya nagpa-blood test ay para malaman kung viable candidate siya sa treatment na gusto niyang subukan sa ibang bansa. Kung anong klase ay hindi pa niya sinasabi

Samantala, nagpahatid ng pakikiramay si Kris sa pagkamatay ng kanyang pinsan na si Tarlac Congressman Charlie Cojuangco.


Tags:

You May Also Like

Most Read