Latest News

Kris Bernal nakipagsapakan kay Rhian Ramos

Ni Wally Peralta

PISIKALAN pala ang nangyari sa lock-in taping ng bagong teleserye ng Siete na “Artikulo 247” na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alvis at Victor Silayan.

Kontrabida ang role ni Kris at napasabak sa maraming fight scenes between her and Rhian.

Say nga ni Kris, sugatan at mga pasa ang kanyang natamo sa pagtatapos ng kanilang lock-in taping.

Sa kabila ng natamong mga sugat, happy si Kris sa kinalabasan ng mga eksena nila ni Rhian at tinuturing niya itong parte ng trabaho, as in walang personalan at work lang.

“I enjoyed it. Gandang-ganda ako sa role ko kasi ibang-iba siya. Before, ako ang inaapi, sinasaktan. This time, akong nang-aapi, nananakit and kahit ako, na-surprised ako na may emotions palang hindi ko na-experienced before pero nailabas ko rito.

“Aba, kaya ko pala silang gawin! The role of Claire-Carmen (mga pangalan ng karakter ni Kris sa naturang serye) really put my acting skills to a test kasi lahat bago for me. But I’m very thankful that I got to explore them here and puro magagaling ang kasama ko so “I really enjoyed working with all of them.”

Kumusta naman ang fighting scene nila ni Rhian?

“Hindi mo maiiwasan na magkasakitan kasi ayaw naming dayain at gusto naming maging makatotohanan. Accidentally, nagkakasakitan kayo sa sabunutan, kalmutan, sampalan, kung kaya ang ending, hayun may pasa at kaunting sugat,” katwiran ni Kris.

Tags: , , ,

You May Also Like

Most Read