NI WALLY PERALTA
HALOS kakakasal lang noon nina Kris Bernal at mister nitong non-showbiz guy na si Perry Choi nang biglaan na-sched si Kris na pumasok sa lock-in taping ng seryeng gagawin sa GMA7 na “Artikulo 247” with Mark Herras, Rhian Ramos at Benjamin Alves.
Matatandaang hindi na nakakontrata si Kris sa Kapuso, pero hindi niya ito matanggihan dahil doon siya nagsimula as an actress.
Bilang isang professional actress, kahit wala pa sa honeymoon period ay gora ang byuti niya sa venue.
Nang matapos ang lock in tapings, ganun na lang kasabik sa isat isa ang mag-asawa nang magkita.
Sa socmed account ng aktres, binuhos nito ang kanyang emosyon sa pagkamiss sa mister, saying: “Reunited after 36 days.”
“To my coworkers on the set, thank you for constantly challenging me to reach new heights in my personal and professional skills. Your support, enthusiasm, and encouragement have fuelled these baby embers into a blazing fire.”
Ngayong may time na sina Kris at Perry para naudlot nilang honeymoon, pagkakaroon naman ng baby kaya ang susunod na puntiryahin ng mag asawa?