NAG-POST sa kanyang Instagram page si Kris Aquino tungkol sa kondisyon niya ngayon at ang ikalawa ay tungkol sa tunay na dahilan ng break-up nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Ibinahagi niya sa unang post ang pagkakasakit ng bunsong anak na si James Carlos Aquino Yap Jr. na mas kilala sa palayaw na Bimby.
“I chose not to share with you until now that Bimby had fever starting on Saturday night, July 8. It started as a bad cough & sore throat. Monday, July 10, Dr Henry, our Fil-Am friend who thankfully has been so kind to me & my sons–came by to check on Bimb…”panimula ni Kris.
Ang finding kay Bimby ay pneumonia at ang masakit ay hindi siya puwedeng lumapit sa anak. Pero sa ngayon ay maayos na daw ang kalagayan ng anak nila ni James Yap.
Tungkol naman sa kanyang kondisyon ay sadly, it’s not getting any better.
“My next cycle for my biological injectable will be on Monday, July 24, the blood panel will determine if my dosage will be brought higher. On July 25, we`ll know if my methotrexate dosage will also be raised. The dosage I`m on right now causes me to be so exhausted, feeling like I have the flu, and struggling to get out of bed. I can only imagine how much harder it will become – that`s also the start of when I will have limited contact outside,”paliwanag ni Kris sa kanyang kalagayan.
Sa caption ay nagpasalamat muli si Kris sa lahat ng nagdarasal para sa kanya.
“One thing is very clear to me – buhay ako ngayon dahil hindi kayo nagsasawang isama ako sa mga prayers ninyo, even though most of you have never met me in person. And that`s why I owe you only the TRUTH,” aniya.
Ang ikalawang post niya ay tungkol naman kay VG Mark. Ayon kay Kris ay hindi naman daw siya nagsisinungaling nang sabihin niyang mahirap ang long distance relationship, pero may iba pang dahilan ang kanilang paghihiwalay.
“I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Mark. I didn`t lie when I said a long distance relationship is difficult. BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote. Sadly. I`m in the battle of my life precisely because I`m doing all I can to save my life because my two sons still need me.”
Ayon pa Kris, alam naman daw niya na may sarili ring buhay si VG Mark pero kapag nakikita raw niya ang mga posts nito na nag-e-enjoy habang siya ay nagdurusa ay hindi niya maiwasang mapikon o magtampo.
“I`m realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me. I apologize for seeming selfish but why will I add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away? If we had tried to stay together as a couple, the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil nararamdaman kong hindi ba niya naisip ang hirap na pinagdaraanan ko?” aniya.
Sabi pa ni Kris ay hindi pa raw handa si VG Marc sa responsibilidad ng isang seryosong relasyon.
“Kaya minabuti ko na sa akin na manggaling kasi nakita at naramdaman kong hindi siya handa sa responsiblilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay niya ngayon ay ipinahiram na oras lamang ng Diyos. Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinakapayapa ang mga puso namin.”aniya.
Siniguro ni Kris na hindi siya magsasalita ng anumang hindi maganda laban kay Mark at hindi rin naman daw sila magkaaway.














