KOREAN STAR KIM SOO-HYUN MAY FAN GREETINGS SA MOA

NI BETH GELENA

DUMATING ang Korean actor na si Kim Soo-hyun noong June 8 dito sa Manila.

Maraming fans ang naghintay sa pagdating ni Kim Soo-hyun kaya kahit 10 p.m. na, pinagkaguluhan pa rin ang Korean actor sa Ninoy Aquino International Airport.


Nasa Manila ang aktor para sa fan meeting dubbed “One Extraordinary Day” sa June 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Ang event ay in-organize ng clothing brand na Bench kung saan naging endorser siya noong 2021.

Si Kim ay bumida sa mga K-dramas tulad ng “Dream High,” “Moon Embracing the Sun,” “My Love from the Star,” “The Producers” at ang bago niyang “It’s Okay to Not Be Okay” at “One Ordinary Day.”

Asahan ng dadagsain ng Pinoy fans si Kim.


Knowing Pinoy na Korean fanatics, may kanya-kanyang fandom ang Pinoys kaya once na may dumating na Korean actors sa bansa hindi sila nag-aatubiling makita ang kanilang iniidolo.

Tama ba ako Ms. VV at RG?

Tags: Kim Soo-hyun

You May Also Like

Most Read