NI BETH GELENA
MAY bago na namang hot photos na ibinahagi si Erika Poturnak with boyfriend Kobe Paras.
Sa Instagram ng anak ni Ina Raymundo, walang caption na nilagay ang dalaga kundi pawang hot shots lang nilang dalawa.
Syempre tulad noong naunang photos ng dalawa sa social media, halos ang mga komento ng netizens ay nakaka-relate daw sila sa sobrang sweetness ng anak ni Ina at Benjie Paras.
Ganun din daw kasi sila nu’ng kanilang kabataan.
“Ermegad! So hot naman nila”
“Na miss ko tuloy kabataan ko hahahah”
Kaya lang hindi ma-take ng ibang girlash ang hitsura ng katawan ni Kobe sa dami ng tattoo sa katawan.
“Ang dumi na ng itsura ni Kobe”
“True. Umover na”
“Agree those tattoos looks . . . Parang di pinag isipan. May tattoos na maganda at madumi tignan”
Dahil very showy ang young lovers s .kanilang.feelings, say ng netizen: “Ito yung mga Pinoy na kahit lumakad lakad sa mga bansang puti, hindi nadidiscriminate. Blessed and privileged.”
Kahit daw maraming tattoo si Kobe, hot pa rin siya sa mga kababaihan, samantalang si girl naman daw: “Looks like tita na si ate gurl! Nakakainggit ang hot ni Kobe!”
Hot couple nga kung tawagin ng netizens ang dalawa.