Latest News

KIT THOMPSON NAKALAYA DAHIL SA PIYANSA; ANA ITUTULOY ANG KASO

Ni Beth Gelena

NAKALAYA na si Kit Thompson, ang aktor na nambugbog umano sa girlfriend na si Ana Jalandoni.

Nakalaya ang aktor after niyang mag-post ng bail sa alegasyong physical abuse and illegal detention suffered by his girlfriend Ana.

Nag-file ang Philippine National Police ng complaint against Thompson for violation of Section 5 (a) of the Republic Act 9262 or the Anti-Violence against Women and Children Act.

Ayon naman sa atorni ni Ana Jalandoni, determinado raw na sampahan nito ng kaso ang aktor dahil sa tinamong injury sa left eye, including one that has “severely affected” her eyesight.

Sa ngayon ay hindi pa tuwirang nagbibigay ng statement ang aktres hinggil sa pambubugbog sa kanya ng boyfriend.

Kasalukuyan pa rin kasing nagpapagaling si Ana sa mga tinamong pasa at galos mula sa pambubugbog ng boyfriend.

Tags:

You May Also Like

Most Read