Latest News

KIM, XIAN MAY WEDDING PLANS NA RIN BA?

NI GERRY OCAMPO

ISA si Kim Chiu sa naging very happy sa wedding nina Vice Ganda at Ion Perez sa ibang bansa (dahil alam naman natin na hindi pa puwede ikasal sa bansa ang may parehong  gender).

Binati ni Kim ang dalawa sa kanyang Instagram post, saying sobrang ganda ng love story ng bagong kasal.

“A beautiful  love story  that  has to be told. Super happy  for  you, Mama (tawag ni Kim kay Vice) at ngayon ay papa @pereziion 27.

“You  both deserve each other. Right Time. Right Person at the very Right Moment!!! Sobrang amazing!!! Cheers to forever!!!  CONGRATULATIONS!!!!!”   ang caption ni Kim sa larawan nila ni Vice at Ion kasama ang iba pang “It’s Showtime” family.

Kantiyaw tuloy kay Kim ng kanyang fans na sana raw ay sumunod na rin silang magpakasal  ng boyfriend niyang si Xian Lim.

Sa pagre-resign ni Toni Gonzaga as main host ng PBB, siya namang pagpasok ni Kim sa reality show para samahan mag-host sina Robi Domingo, Enchong Dee, Melai Cantiveros at Bianca Gonzales —  ang main host na ipinalit kay Toni.

Matatandaang sa PBB galing si Kim, na  naging grand winner, kaya super happy siya to be a part of the show as one of the hosts.

“It  was memorable  for me. Thank you, Lord God  for guiding us. Maraming salamat  sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na sumusuporta sa kuwento ng totoong buhay ng mga nagiging PBB housemates. We all did it THE  KAPAMILYA  WAY, “ post ni Kim sa Instagram account  tungkol sa naging hosting job.

Dagdag pa ni Kim: “I will  be forever grateful  to this house…to the team behind PBB…to co-hosts, salamat  sa pag-guide kagabi at sa pagpa-practice sa akin to talk to the housemates. Grabe! Surreal experience  yun. First time.”

 

 

Tags:

You May Also Like

Most Read