Latest News

Kiko Estrada umalis sa ‘Darna’ dahil naliitan sa role

Ni Beth Gelena

KAYA umano biglang umalis si Kiko Estrada sa “Darna: The TV Series” dahil naliliitan umano ang aktor sa kantang role at hindi raw inalis si Kiko sa serye.

Ang aktor umano ang agad na nag-resign at hindi na rin nag-report.


Nakailang eksena na raw si Kiko kaya agad na naghanap nang makakapalit ang management.

Si Paulo Gumabao ang pumalit sa role na iniwan ni Kiko.

Komento tuloy ng netizens: “Naliliitan pa ba si Kiko sa role, e, siya ang ka-love triangle ni Joshua Garcia kay Jane de Leon bilang si Darna o Narda.”

“Choosy pa ba siya? o talagang may attitude?”


Kuwento naman ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update Channel” nila ni Mama Loi, dinelete na raw ni Kiko ang lahat ng uploadad post niya sa social media, pero naroroon pa rin naman daw ang number of viewers nito.

Say pa ni Ogie, mukhang stop muna sa social media ang aktor na nabanggit naman daw nito the last time na ma-interview niya nung maghiwalay sila ni Heaven Peralejo.

Tags:

You May Also Like

Most Read