Latest News

KC CONCEPCION GALIT SA EX-BF PERO DI MAITAPON ANG REGALO

NI BETH GELENA

MAY bagong inupload na video si KC Concepcion kung saan may tanong sa kanya at ang kanyang isasagot ay sa pamamagitan ng collection items niya.

Mahilig kasing mag-collect ang Mega daughter ng mga items na hindi niya magawang itapon dahil may sentimental value sa kanya.


Ipina-renovate ni KC ang kanyang dining area para maging display area ng kanyang mga eleganteng flatware, silverware, books, at kung anu-ano pa.

May nagtanong kay KC ng ipakita ang isang item na nasa shelf na: “An item on the shelf that you want to break but can’t.”

Bilang sagot, ipinakita ni KC ang isang white mug na may disenyong gold skull.

Sabi ni KC: “And the item that I want to break but never could break is this beautiful mug given to me by my ex-boyfriend.”


Gustung-gusto raw ni KC ang regalo ng dating BF kaya nagdesisyon siyang itago ito ay isama sa kanyang collection.

Biro pa ng entrepreneur-actress patungkol sa kanyang ex: “You know who you are. I hate you.”

Sabay sabing: “Because you should always honor your past.”

Nagdrama pa ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa tumingin sa mug sabay sabing: “I love you. Charaught!” sabay turo sa camera: “Aaay. You know who you are! I hate you!”


In-explain ni KC kung bakit tinago niya ang item instead na itapon.

“I love gold and I love white, so that’s why I decided to keep this in my collection.”

Hindi binanggit ni KC kung sino ang ex na tinutukoy niya pero may isang netizen ang nagkomento.

Hula nito ay si Paulo Avelino ang ex-boyfriend na tinutukoy ni KC.

Say ng netizen, pareho raw coffee lovers sina KC at Paulo at pareho rin nilang paborito ang skull.

Nag-post tuloy si KC ng Dubsmash sa kanyang Instagram account n amay may voice over:

VO: “Do you have a boyfriend?”

KC on dub: “Yes, I do.”

VO: “Where is he from?”

KC: “He’s from another nation.”

VO: “Which nation?”

C: “Imagination.”

May caption ang ang dubsmash video ni KC na isang imahe ng skull. Ano sa palagay ninyo?

Tags:

You May Also Like

Most Read