NI GERRY OCAMPO
Tinarayan ng isang netizen ang producer/director ng isang pelikula na sumasawsaw sa pinag-uusapang pellkula na “Maid in Malacanang” para lang mapansin kahit paano ang kaniyang movie na isinabay pa ang showing nito sa pagpapalabas sa mga sinehan ng MIM.
Kung anu-anong gimik ang ginagawa ng naturang producer na mapag-usapan at panoorin rin ang kanyang movie na inilabas na pala sa mga sinehan noon pero walang nangyari dahil flppsina raw ang movie.
Ngayon, humirit muli ang producer/director na baka this time nga naman ay mapansin at makabawi na sila kapag sumawsaw sila sa pagpapalabas sa mga sinehan ng “Maid in Malacanang.”
Nagkasagutuan indirectly ang director ng “Maid in Malacanang” na si Direk Darryl Yap at naturang director na si Vince Tanada.
Pati nga netizens na pro-Marcos at anti-Marcos ay nagkasagutan din sa pagpo-promote ng gusto nilang pelikula.
May pahayag sa isang interview si Vince na: “We are being challenged by Maid in Malacanang that’s why Direk Joel Lamangan reacted and said he will also do a movie to show what happened during Martial Law. Pero siya, gagawa pa lang but I already have a finished film and i am going to show it, so that the people will see a different side of the story. If the Marcos family is saying that the movie is how they felf before being exiled to Hawaii, this is the story of how we felt when they were still in power.”
Sabi naman ni Direk Darryl Yap: “Yung sasakay. Makikisawsaw para mapag-usapan sila, para silang mga putakti na nakakita ng mapapakinabangan. Kung talagang they are presenting the truth, they don’t need my film in order for them to be noticed. So kung katotohanan ang kanilang ipinaglalaban, sana makita rin nila ang katotohanan na nagmumukha silang tanga, nagmumukha silang kawawa.”
Nilinaw din ng kampo ni Direk Darryl na fake news ang kumalat na namimigay ng free tickets si Senator Imee Marcos at ang Viva Films noong July 29 at may mga larawan pa nga kumakalat sa social media.
Ang totoo, last July 30 pa lang daw available ang cinema tickets para sa pelikula.
May nag-post kasi na ni-reject ng isang Catholic Chinese School ang ipinadalang 300 free tickets ni Senadora Imee Marcos.
Anyway, palabas na ngayon sa mga sinehan ang “Maid in Malacanang” at movie ni Vince na “Katips.”
Magkakaalaman na kung ano pa talaga ang gustong panoorin ng mga tao. May patakaran pa naman ang mga sinehan na kapag iilan lang tao ang nanonood sa mga sinehan ng isang pellkula ay pinu-pull-out na ito sa sinehan dahil sayang ang kuryente.
Kanino kayang movie ang mapu=pull-out sa mga sinehan dahil isa o dalawang tao lang ang nanonood?