NI BETH GELENA
MAY isyung naglalabasan na nagkakalabuan na umano sina Kathniel Bernardo at Daniel Padilla.
May nagtanong pa sa ina ni Daniel na si Karla Estrada kung totoong break na ang dalawang longest reel and real loveteam.
Ani ng netizen: “Tita Karla.please enlightened us na hindi totoo na break ang KathNiel or may problema sila po… may naglalabasan po kasing mga comments sa tiktok dahil lang sa pagsabi ni DJ na si “Summer” ang definition ng pinaka-loyal niya.”
Sinagot naman ni Karla ang tanong.with all capital letters ng: ” WALANG KATOTOHANAN!!!”
Sari-sari tuloy ang komento ng netizens:
“10 years… oh my gosh… so sad…”
“Naku mag wa warla ang fans pag naghiwalay sila at di sila endgame 10? Years sila invested e”
“Sa aldub nga 2 years lang na team up up to now warla parin mga fans e”
Prior kasi dito, natanong ang magjowa sa kanilang farewell presscon (ba yun?) kung ano ang “loyalty” sa kanila.
Ang sagot ni Kath: “Loyalty for me is contented..Because if you’re you won’t look for… anymore person… so yun for me loyalty is contented.”
Ayon naman kay DJ: “Alam no kung sino ang pinaka-loyal sa akin ang aso ko si Summer. Yun ang pinaka-loyal dun ko makikita ang definition ng loyalty. Na kahit anuman ang pinagdadaanan ko ngayon .. kung anuman ang sitwasyon at emosyon ko ngayon … kung sino ako ngayon tatanggapin ako ng buong buo yun ang loyalty… walang judgement tatanggapin kung sino ako.”
Komento tuloy ng isang netizen: “Hindi sa nag-ooverthink ako… pero parang may something sa sagot ni DJ.”
Lumabas ang interbyung ito sa TikTokBudolFinds.
Kaya espekulasyon ng netizens, may lovers’quarrel ang celebrity couple.
Anila: “Baka LQ lang din.. pero ganitong ganito kilos nila Heart and Chiz before the hiwalayan issue…”
Pati kilos ng KathNiel, hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens.
“Ang pagtapik ni Kath sa kamay ni DJ.ay parang friends na lang sila”
“Eh paano ieexplain yung pagpipigil ng luha ng Kathryn? Natouch siya for Summer?”
“Break na yan!”
“Pang ilan na ba tong hiwalayan issue ng kathniel hahaha jusko pwede bang this time totohanin na nila”
“anyare? sa harap pa mismo ni kathryn? so indirect niyang sinasabi na hindi loyal si kathryn???”
“Totoo naman dogs are very loyal pasok naman sa loyalty pero i think it has something to do about friendship and not about their relationship, nag iba na kasi yung set of friends ni daniel now baka yun ang hugot nya”
Napansin din nila ang coldness ng KathNiel.
“Cold nga sila sa isat isa .. it’s very obvious. Ganyang ganyan ang Heart Chiz before the hiwalayan issue”
“Hala parang May something nga. Look at Kath tapping him, parang teary eyes siya.”