Kakie Pangilinan muling ‘pinagsabihan’ sina Sharon, Kiko

NI BETH GELENA

HINDI ito ang unang beses na biniro ni Frankie “Kakie” Pangilinan ang mga magulang na sina Megastar Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.

May post kasi si Megastar ng larawan nilang mag-asawa na “naglalampungan” sa isang event at talaga namang napaka-sweet ng candid shot ng celebrity couple.


Kumalat ang photo sa social media at ilan sa mga ito ay pinost din ni Sharon sa kanyang IG account.

Nag-post din si Kakie sa kanyang socmed ng photo ng mga magulang na naglalambingan sa harap ng maraming tao, kesehodang may katabi silang isang personalidad na deadma lang sa nangyayari sa kanyang paligid.

Birong caption ni Frankie sa larawan: “Ang lalandi ng mga bata (nauseated face emoji).”

Sabay sabi sa katabing personalidad ng mga magulang: “im so sorry po.”


Isa photo collage din ang pinost si Frankie ng sweet moments ng kanyang parents.

Nilagyan na lang ito ni Kakie ng caption na: “Everybody’s”

Last March, pabiro ding sinabi si Kakie na parang dalaga at binata ang mga magulang kung umasta.

“Get a room,” caption ni Kakie sa photos nina Sharon at Kiko na nagki-kiss.


Si Frankie ay kasalukuyang nasa New York at doon nag-aaral.

Tags: Frankie “Kakie” Pangilinan

You May Also Like

Most Read