Latest News

Kahit pinalayas at itinatwang anak… DIEGO NAKIPAGKASUNDO KAY CESAR AFTER 7 YEARS

NI BETH GELENA

MARAMI ang bumilib sa pagpapakumbaba ni Diego Loyzaga.

Natatandaan nyo pa ba na itinatwa na siya ng amang si Cesar Montano at pinalayas sa bahay nito seven years ago, pero siya p ang unang gumawa ng paraan para muli silang magkasundong mag-ama.


Viral ang pinost na larawan ni Diego kung saan nag-bonding ang mag-ama sa paglalaro Ng pagbabasketball.

Ni-like ni Teresa Loyzaga ang pagkakasundo ng mag-ama.

Kiomento ni Teresa sa IG account ng anak: “You make me Proud son. [heart emoji] I love you.”

Pinuri naman ng netizens ang magandang pagpapalaki ni Teresa sa anak:


“Thank you Lord,” pasasalamat ni Teresa sa pagkakaayos ng kanyang mag-ama.

Maging ang ex-wife ni Cesar na si Sunshine Cruz, nag-react sa bonding moment ng mag-ama at ni-like din with matching heart emoji ang post ni Diego.

Gayundin ang panganay na anak nina Sunshine at Cesar na si Angelina.

Tatlo ang anak ng ex-couple na parehong mga girls — Angelina, Samantha, at Franchesca.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read