NI BETH GELENA
Kahit may sentimental value kay Neri Naig, ang misis ni Chito Miranda, ay ibebenta niya ang kanyang condo unit sa halagang P6.5 million.
Ayon sa dating aktres: “Sa playground sa tapat ng unit namin unang nag-meet ni Chito…”
Ang nasabing 3-bedroom condo ay matatagpuan sa Pasig City.
Kinakailangan daw niyang ibenta ang nasabing property dahil may bago siyang sisimulang project na kailangan ng malaki-laking capital.
Sabi tuloy ng netizens, ang swerte ni Chito sa asawa dahil ang sipag na maswerte pa sa negosyo.
Isang matagumpay na entrepreneur ang dating aktres
Sa Instagram account ni Neri, sinabi niyang nabili niya ang condo noong dalaga pa siya at nagkakahalaga na raw ito ngayon ng P6.5 million.
Ipinost niya ang condo para makita ng aspiring buyers.
“Binebenta ko na ang condo ko sa Riverfront kase may bago akong project na gagawin. Ikot-ikot lang pampuhunan 6.5M lang sya.
“Super good deal para sa 3 bedroom condo with parking pa! Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nagmeet ni Chito, hihi! Di ko kase binigay yung exact condo unit ko baka kase stalker ‘to at baka palaging nasa labas na ng condo ko nag-feeling agad ako.
“Sa lahat ng naghahanap ng good deal condo for sale, check my condo — 3 Bedrooms, 2 T&B, may malawak na veranda, may kasamang parking spot sa ilalim mismo ng unit, may laundry cage sa roof deck, Total Area 101.5sqm, located sa Pasig City, super lapit sa BGC, Ortigas Area, Landers, Tiendesitas, Eastwood City, no flooding history, PUV available sa gate ng community, may clubhouse, ballroom, billiards, karaoke room, gym, convenience store and water station, may 2 swimming pool, basketball court, and badminton court, pet friendly, may picnic area, and may 2 playground, gated community na may 24hr security.”
Ibinahagi rin ni Neri na kamakailan lang ay nakabili sila ni Chito ng bahay sa Baguio City.
Nauna rito, nagtayo rin sila ng Thai restaurant sa Baguio — ang Lime and Basil.
Hindi tuloy mapigilan ng netizens ang mapasigaw ng: “Sana all!!!”














