Latest News

Kahit may sakit: Kris nagpunta sa Tarlac rally, nagparinig kay Bistek

Ni Beth Gelena

NANG mabalitaan ni Kris Aquino na sa Tarlac gaganapin ang campaign rally nina VP Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan, agad gumawa ng paraan si Queen of All Media para makadalo sa campaign site.

Kinontra ni Kris ang kanyang doktor na mahigpit siyang pinagbawalan na lumabas dahil sa kanyang karamdaman.


Pero katwiran ni Kris; “I’m going, and nobody can stop me.”

Ang ending, nakapunta nga siya sa “PusoTarlac”rally.

Sa stage, nagpaliwanag si Kris na in-advise daw ng kanyang doktor not to go out but when she heard the rally will be in Tarlac, she made up her mind to attend.

Para kay Krissy ang pagpunta sa Tarlac ay hindi gawang biro, alam daw niyang maraming risks ang mangyayari.


Nabanggit din ng TV host ang ex-boyfriend na si Herbert Bautista na tumatakbong senador.

Sabi ni Kris: “He does not know how to keep his promises,

which is why he must not be voted for.”

Samu’t saring komento naman ang natanggap ni Kris sa pagpapasaring sa dating boyfriend.


Tags:

You May Also Like

Most Read