NI BETH GELENA
ASIDE sa “Sing-Galing” ay may bago pang show si K Brosas kasama si Ethel Booba — ang “Lakwatsika” na nag-umpisang umere last Monday, 11 a.m. sa TV 5.
May dating naman ang show, kumbaga dahil isa travelogue/lifestyle ang format nito.
Noon pa man, aminado si K na may mental health problem siya.
Say ng singer-TV host, inatake raw siya ng anxiety habang rolling ang camera.
“May nangyari sa akin dito, first time on national television, ‘yung tungkol sa aking mental health.”
Hindi raw niya ine-expect na mangyayari ito habang nasa taping siya mismo ng show.
“In the first two weeks, full-blown anxiety attack. Marami ang makaka-relate, totoo pala yun, hindi echos.
“In a way, ‘di rin ako thankful, kasi noong oras na ;yun, gusto mong mamatay na, gusto mo lang ma-ospital. May camera, ‘di maiiwasan, reality show ito.
“Yung mga medics, mga tao, nataranta. Di ko ine-expect, first time itong nangyari sa TV na usually nangyayari sa backstage,” kuwento ni K.
Ang concept kasi ng “Lakwatsika” ay parang “Extra Challenge” ng GMA7 noon at “Biyahe ni Drew.”
Sa tanong kay K kung sino ang gusto niyang makasama sa.byahe habang nnaglalakwatsika sila, mabilis ang sagot niyang: “Si Kris Aquino.”
Paliwanag niya: “Si Kris kasi malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi sa ‘Kris TV’ ako namulat sa travel.”
“Ako ang pinagagawa niya ng mga adventures para happy, ‘di ba?”
Nami-miss na nga raw ni K na makasama ang Queen of All Media dahil ilang taon na rin simula nang mawala ang “Kris TV.”
Pero kahit matagal na silang hindi nagkakasama ng TV host nanatili pa rin daw ang kanilang komunikasyon.
“Si Kris, napakadaling i-please as a friend. Maalala mo lang siya, malaking bagay na sa kanya yun.
“Gusto ko lang sana siyang bumalik sa dati niyang sigla, sa dati niyang kulit, saka yung mga side comments niya na natatawa ako,” wish ni K para sa napakahusay na TV host.














