Latest News

K Brosas, Ethel Booba excited sa unveiling ng billboard para sa bagong show sa TV5

NI Gerry Ocampo

MAS excited si K Brosas kaysa kay Ethel Booba sa unveiling ng billboard na magkasama sila para sa travel reality show nila sa TV5.


Ayon kay K Brosas, first time niyang magkaka-billboard kaya feeling niya para raw “bagong bayani” ang dating.

Si Ethel naman ay nagka-billboard na sa “Extra Challenge” pero nandoon pa rin raw ang excitement na makita ang sarili sa billboard.

First time din kay K ang show na may script man o wala, ay kaya-kaya nilang laruin ni Ethel. Pero ang hindi makakalimutan ni K na nangyari sa kanya ay nang hawakan ng isang fan ang kanyang boobs sa isang show.


“Nagulat ako siyempre,” kuwento ni K.

Dahil kalog at game naman sa mga ganoong biglaang pangyayari, sinabihan niya ang fan na hawakan din ang kanyang kanang boobs. Bigla raw natauhan ang male fan at natameme sa maling ginawa sa kanya.


Nakunan ng video ang ginawa ng male fan ni K at mapapanood daw ito sa kanilang show ni Ethel.

Samantala, iba naman ang karanasan ni Ethel dahil lagi siyang napagkakamalan na bakla kapag may show sa ibang bansa.


Hindi naman itinatanggi ni Ethel na may pinaretoke siya sa mukha kaya raw siguro napagkakamalan siyang bading.

Dedma lang daw siya at kaagad na sinasabi na isa siyang tunay na babae.

Well, sana mag-klik ang TV show nina K at Ethel sa TV5 para makabawi naman sila sa dami ng nawalang projects mula ng magka-pandemya.



Tags: Ethel Booba, K Brosas

You May Also Like