JULIA MONTES MAY MALALIM NA BIRTHDAY MESSAGE KAY COCO MARTIN

NI BETH GELENA

MAY simpleng birthday message si Julia Montes sa rumored boyfriend na si Coco Martin, pero inulan ng komento mula sa netizens at celebrities ang mensahe ng aktres.

Sa pinost na larawan ng aktres kasama si Coco, nilagyan niya ito ng caption na: “Continue to be YOU. Happy Birthday.”


Reaksyon ng netizens pati na ang ilang celebrities sa IG post ni Julia:

“Eto lang nmn ang Inaantay ko! happy Birthday direk.”

“Omg!!! Happy Birthday direk Coco.”

“Happy birthday sa ultimate crush ko sa showbiz at super bait nakita ko sa personal bait grabe.”


Hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin mula sa dalawa hinggil sa kanilang relasyon.

Pero maski hindi sila umamin, maraming ang positibong nagsasabi na sila na nga dahil laging nakikitang magkasama ang dalawa.

Never nakitang lumakad si Julia na may kasamang ibang guy kundi si Coco lang.

Kahit na may lumalabas na tsika na engaged na umano ang celebrity couple, walang mapigang komento sa kanila.


Mapapabilib ka nga sa kanila dahil napakahusay nilang itago ang kanilang private life sa publiko kesehodang obvious naman na.

Tags: Julia Montes

You May Also Like

Most Read