NI BETH GELENA
MALAKI ang pagrespeto ni Julia Montes sa yumaong Queen of the Philipine Movies na si Ms. Susan Roces.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang handwritten letters na ibigay sa kanya ng late veteran actress.
Ani Julia, hindi niya makakalimutan ang mga kwento at payo ni.Ms. Susan sa kanya sa buhay at sa buhay pag-ibig.
Binigyan din daw siya ng CD ng Greatest Love of All at binilinan pa siyang huwag daw.niyang kakalimutan ang awiting iyon.
“One of the few handwritten letters from you … hinding – hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig.?? mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral … mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan… isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan… ” sabi ni Julia sa post.
Hindi raw mawawala sa kanyang puso ang lahat ng itinuro sa kanya ng aktres.
“Wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po!” pamamaalam niya kay Lola Flora.
Noong May 22 ay nag-umpisa na ang public viewing para sa mga labi ni Ms. Susan.
Tatagal ito hanggang May 24 mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Wala pang inilalabas na kumpirmasyon kung kailan at anong oras ang magiging libing ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.
Nakikiramay po ang People’s Tonight Online family sa mga mahal sa buhay na naulila ng Queen of Philippine Movies.