NI BETH GELENA
PINOST ni Gerald Anderson ang bonding moments nila ng girlfriend na si Julia Barretto sa Singapore.
Hindi lang ang panonood ng Formula 1 rat race ang dinayo ng mag-jowa sa SG kundi they painted the town red sa tinaguriang Lion City o Garden City ng mundo.
Kaaliw panoorin ang escapades ng celebrity couple sa vlog ni Gerald.
Ang sipag maglakad ng mag-jowa na kahit umuulan, wa sila care kung ano ang hitsura nila sa video.
Ang importante, masaya sila sa kanilang bakasyon.
Kapag napapagod ang aktres, literal na mag-stopover si Julia to buy something para raw may kinakain siya habang naglalakad.
Typical na mag-jowa sina G at Juls na walking and running under the rain dahil wala silang payong na dala.
Sabi ni Julia, ginoogle raw niya ang lugar na kakainan nila kaya lahat daw ng establishment doon ay pawang restaurant.
Say naman ng boyfriend: “I doubt it.”
At nang may nadaanan silang boutique, syempre hindi nakatiis ang aktres to enter and look around.
May nakita siyang something na pansapin sa paa at ng kanyang isukat, at presto may nabili siyang something easy to wear kaya pinalitan niya agad ang suot na sneakers.
Sa F1 big night ay ganun pa rin ang weather sa SG, pero kahit umuulan at maputik, dagsa pa rin ang mga nanonood.
Sumakay sa train ang celebrity couple kaya may mga Pinoy na nakakilala sa kanila at magiliw naman silang nakipagkwentuhan sa mga ito.
Ang iba naman naki-selfie pa sa kanila.
Walang pakialam ang celebrity couple kahit basang-basa sila sa ulan, ang importante daw they watched the big event that they will never ever forget in one half of their lives.
Sa actual na ng karera, maririnig ang tili at sigaw ni Julia.
Sabi nga niya, parang naubusan siya ng boses dahil nanakit ang kanyang lalamunan.
Ngayon, alam ko na kung bakit minahal ni Gerald ang young actress.
Hindi secretive si Julia sa pagmamahal sa kanya at magkasundo sila pagdating sa gustong activities outdoor.
Feeling ko nga, never nagkaroon ng dull moment si Gerald kapag kasama ang girlfriend.
Narito naman ilang komento ng netizens:
“More videos pa na lagi kayong magkasama!”
“Naniniwala na ata ako sa soulmates, more vlogs please.”
“Kabisado na talaga ni Ge si Julia, syempre may shopping.”
“GRABE! Mapapa-sana all ka na lang, super sweet nilang dalawa.”














