Latest News

JULIA DEDMA SA BIRTHDAY GREETINGS NG AMA

Ni Gerry Ocampo

MARCH 10 ang birthday ni Julia Barretto at noong isang araw pa siya binati ng ama na si Dennis Padilla na advance happy birthday pero tila dedma lang ang young actress.

Ang birthday greetings ni Dennis ay may kasama pang old photos nilang mag-ama na magkasama.


May nagsabi na baka hindi raw nakarating kay Julia ang birthday greetings ng ama na, “Advance happy bi-day, anak. I love you,” at “Julia…Time really flies…Advance happy birthday… Love you. Anak,” dahil hindi naman daw siya itinag ni Dennis.

Ang itinag ni Dennis sa birhday greetings niya kay Julia ay si Dani Barretto. Umaasa siguro si Dennis na ipinarating ni Dani ang kanyang pagbati kay Julia.

May nag-comment naman na sana raw ay mabasa ni Julia ang birthday message ng kanyang ama.

Mga followers tuloy ni Dennis ang nag-tag kay Julia.


Sabi ng isang netizen, nagawa ni Diego Loyzaga na makipag-ayos sa ama niyang si Cesar Montano.

Sana naman daw ay magawa rin ni Julia makipagbati sa amang si Dennis na kasalukuyang tumatakbong konsehal sa 2nd district ng Caloocan City.

Samantalang halos magkasunod lang ang birthday ng magdyowang Julia at Gerald Anderson. Thirty-three years old na si Gerald at si Julia ay 25 years old nitong March 10.

Mababasa sa Instagram post ni Gerald na isa sa mga bumati sa kanyang kaarawan bukod kay Julia ay ang mother dear ng actress na si Marjorie Barretto.


Kung pagbabasehan ang comment grettings ni Marjorie kay Gerald ay obvious na boto siya sa relasyon ni Julia sa controversial actor.

“Happy birthday again! Thank you for all that you have been to our family. So thoughtful, fun and ever so kind, especially to Erich. And for always introducing new adventures to us. Let`s celebrate when you get back!” say ni Marjorie na sinagot naman ni Gerald ng, “@marjbarretto salamat po tita (with heart emoji).

Tags:

You May Also Like

Most Read