Latest News

JULIA BARRETTO OK LANG NA SECOND CHOICE SA MOVIE WITH ALDEN

By: Beth Gelena

NAGUSTUHAN umano ni Julia Barretto ang inayawang role ni Bea Alonzo.

Magsisimula na raw mag-shoot ang movie sa susunod na buwan with Alden Richards.


Ayon sa presidente at CEO ng Viva Communications, Inc. na si Vincent Del Rosario III: “Dating Alden-Bea, tapos nag-issue naman ng statement kami and ang GMA na magpapahinga muna si Bea. So, si Julia na. Ito ‘yung remake ng isang hit Korean movie, local version.”

Wala naman daw naging problema kay Julia kahit nalaman nitong hindi siya ang unang napili para sa pelikula.

“I think yes, kasi na-promote na ‘yan dati noong unang i-announce and she’s professional naman and nagustuhan niya ‘yung role,” dagdag pa ng CEO.


Bukod sa pelikulang pagtatambalan nina Julia at Alden, may isang pelikula rin umano ang nakatakdang pagsamahan nina Julia at Aga Muhlach.

“Well, excited siya, hindi lang dito pati ‘yung movie nila with Aga, ‘yung Forgetting. Siyempre isa si Julia sa mga importanteng artista ng Viva. So binibigyan siya ng magaganda at malalaking projects,” ayon pa sa Viva exec.


Tags: Alden Richards, Bea Alonzo, Julia Barretto

You May Also Like