NI BETH GELENA
Nag-iisip si Judy Ann Santos ng alternatibo sa iluluto niyang putahe para sa kanyang cooking online show.
Umaangal na rin kasi ang actress-chef sa taas ng presyo mga bilihin.
“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung ano mang lutuin ‘yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman ‘di ba?” paliwanag nu Juday.
Isang dating master chef ang nagbigay ng reaksyon sa hinaing ng aktres.
“Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….” payo sa kanya ni chef Pebbles.Cunanan.
“Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin normal yan ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puede mong gamiting ingredients sa pagluluto.
“Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni… chozzzz,” dagdag ni Chef Pebbles.
Isang netizen din ang nagkomento: “Iyan si Judy Ann Santos hindi muna nag-iisip bago pakawalan ang sasabihin sa ere kumbaga sa pagma-manage mahina siya sa decision-making. Dapat balanse, kung may natutunan siyang mga ingredients para sa first class na customer dapat meron din siyang nakahanda para sa middle or lower class standard.”
Komento naman ng isang netizen, wag daw dapat iasa lang ang mga niluluto sa napag-aralang putahe.
Maging reproductive raw dapat. Mag-experiment ng putaheng gustong lutuin. Malalaman daw na mahusay na cook ang isang chef kung marunong dumiskarte ng mga recipe na gustong lutuin na hindi base sa pinag-aralan lang.
Sabagay, true naman ang sinabi nila.














