PINAG-UUSAPAN ang torrid kissing scenes nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa sanib-pwersang teleserye ng ABS-CBN, GMA-7 at Viu na “Unbreak My Heart.”
Sa vlog ni Ogie Diaz na ” Showbiz Update,” hindi raw nagpatinag ang young actor sa kissing scene nila ni Jodi.
Infact, dami nga raw kinilig at nagsasabing parang bagay naman daw sina Jodi at Joshua kahit malaki ang agwat ng kanilang edad.
Level-up na nga ang young actor at wala na siyang mga pabebe at pa-cute sa bago niyang teleserye.
Aba, hindi lang lips ni Jodi ang natikman ng aktor kundi maging ang lips ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia.
Nasabi noon ni Joshua sa isang interview na hindi raw siya laging pa-wholesome, need na rin daw niyang gumanap sa matured roles dahil nasa tamang edad na rin daw naman siya.
Kaya ba naging mapangahas na siya sa role niya sa UMH?