Latest News

JONA NA-BURNOUT, NAG-DETOX SA SOCIAL MEDIA

NI BETH GELENA

PAG-AMIN ng singer na si Jona, na-burnout din daw siya nu’ng kasagsagan ng pandemya kaya nag-social media detox siya.

Sa guesting niya sa “Magandang Buhay” last week, inamin ng magaling na singer na nag-iba ang naging pananaw niya sa paggamit ng social media.

“Even social media parang na-burnout din. Kasi ‘yung unang panahon sa social media, parang happy ka pa na nagpo-post dahil you just enjoy posting, sharing and all. Pero parang nag-iiba na ang takbo ngayon ng social media,” kuwento ni Jona.

“Parang when you post, masyado ka nang concern sa maganda ba ang post ko, maganda ba ang caption ko, marami bang likes ‘to, magkakaroon ba ako ng maraming followers.

“But mali ‘yung ganoong perspective. So, kailangan kong itama ang perspective ko during my absence,” dagdag pa ng singer.

Last Sunday ay balik-ASAP na rin si Jona.

Tags:

You May Also Like

Most Read