NI BETH GELENA
SA “It’s Showtime” last Wednesday, habang ongoing ang Tawag Ng Tanghalan segment ay may blind item na sinasabi si Vice Ganda.
Laging binabanggit ni Vice ang “ASAP” at bakit iba raw ang pinili para mag-stay sa programa.
Tawa naman ng tawa ang mga kapwa-host ni Vice sa noontime show.
Maging ang mga hurado ng TnT na sina Jed Madela, Erik Santos at Ogie Alcasid.ay inookray din ni Vice.
Marami raw ang may gustong mag-guest sa ASAP kung siya nga raw kapag walang mga hanash ay nagbo-volunteer na gusto niyang nag-guest sa ASAP.
Pagkatapos ay bubuwelta siya sa mga hurado na pawang mga nasa ASAP.
Tinanong niya ang mga ito kung sino raw ang mahirap sabayan kapag sila ay kumakanta.
Sagot naman ni Erik, si KZ Tandingan ang para sa kanya ang mahirap sabayan.
Pero, binanggit.din niya si Regine Velasquez.
“Mabuti na lang nauuna ako kay Ate Reg kapag nagdu-duet kami kasi kung siya ang mauuna parang mawawala ako… mahihirapan kasi matàas ang range ng boses niya,” esplika ng male singer.
Maya-maya ay balik na naman si Vice, “pero bakit iba ang pinili?”
Sabay-sabing nagjo-joke lang siya at gusto lang pasayahin ang kanyang mga kasamahan.
Si Ogie naman ay pangiti-ngiti lang habang umiiling.
Maya-maya, tinanong ni Vice ang contestant kung gusto niyang mag-guest sa ASAP.
Hindi lang ASAP ang binanggit ni Vice kundi kung gusto rin daw niyang mag-guest sa Magandang Buhay.
Tanong tuloy ni Vhong Navarro: “Bakit sa Magandang Buhay?”
Sagot naman ni Vice, sa MB daw kasi ay malalaman ang ilang info tungkol sa mga nagiging guest nila.
Eh, kaya naman pala panay ang pang-ookray ni Vice sa ASAP dahil mainstay ng programa si Regine.
Binanggit niya bandang huli ang Magandang Buhay dahil pinili umano ng management si Judy Ann Santos para ipalit sa Asia’s Songbird.
Matatandaang si Regine ang kinuha ng management para pansamantalang ipalit kay Karla Estrada dahil nagpaalam ang host na papasok sa pulitika.
Ngayon, maliwanag nang hindi makakabalik si Karla sa nasabing programa dahil magiging regular host na sa programa ang teleserye queen na si Judy Ann.
Regarding to Regine, nagpasalamat naman siya dahil naging parte siya ng Magandang Buhay.