Ni Wally Peralta
NAGING Isang malaking inspirasyon para kay John Lloyd Cruz ang laging mataas na rating ng kanyang comedy show na “Happy TwoGether.”
May gagawin din siyang pelikula na masasabing comeback movie niya.
Kung ang dasal ng followers nina JLC at Bea Alonzo na silang dalawa ang magtatambal sa pagbabalik-movie niya, sad to say ay hindi na ito tuloy.
May napili nang magiging leading lady kay Lloydie — si Jasmine Curtis-Smith.
Bukod sa parehong talent ng Crown Artist Management nina Maja Salvador at nobyong si Rambo Nunez, nakitaan si Jasmine ng produ ng kakaibang angking galing sa pag-arte nang maging special guest ito sa “Happy TwoGether.”
“Yung role na ginawa niya nung pilot episode namin I think mahirap ‘yun. Hindi lahat yata magagawa ‘yun. Parang ang galing na nakita ko ‘yun na kaya niya mag-transition from like seryosong material to a sitcom,” say ni John Lloyd.
Kung hindi man sa movie unang makakasama ni John Lloyd si Bea, kailan naman kaya ito isasalang bilang guest star ng kanyang comedy show?
“Inaantay ko nga ‘yung episode na ‘yun, hindi pa siya nangyayari unfortunately. Pero, siguro in its own timing baka sana mangyari pa rin,” sagot ni Lloydie.