Ni GERRY OCAMPO
SA panayam ni Karen Davila kay Jodi Santamaria sa kanyang YouTube Channel, naikuwento ng actress ang pinagdaanan niyang hirap bago siya nakapasok sa showbiz.
Dahil sa kahirapan at sa kagustuhan makapag-aral ay nagtinda siya ng popcorn sa school na pinapasukan.
“We were raised single-handedly by my mom, pero my lola has always been there na naging supportive kay Mama, So, it was just me, my kuya, my lola and my mom,” pasimula ni Jodi.
“Tapos doon (nag-start) yung pagiging raketera ko sa school, nagbebenta kami ng popcorn.
“Dun namin kinukuha yung pambaon namin. 4 a.m. gigising si Mama, gagawa siya ng parang butter, ng brown sugar, tapos may candle para pang-close ng plastic, tapos ibabenta namin per pack ng P29 ‘yan,” kuwento ni Jodi.
Ang hindi daw niya makakalimutang karanasan noon ay nang ipatigil ang kanilang pagtiitinda ng popcorn dahil nagiging kakumpitensiya na sila ng school canteen.
“One day, pinatigil yung aming small business kasi nakukumpitensiya na namin yung canteen sa school.” natatawang balik-tanaw ni Jodi.
Pero hindi naging hadlang yun para hindi niya matupad ang kanyang pangarap na makatulong sa pamilya at maging artista.
Kuwento pa ng aktres sa “The Broken Marriage Vow,” bata pa raw siya ay mahilig na siyang mag-perform sa harap ng maraming tao.
At ito na ang naging paraan para mapansin siya ng isang talent scout.
“Ano lang ako, typical school girl na mahiyain. Pero sobrang love ko ang pagpe-perform. And then, pagdating ko ng high school, we were just having lunch — me and my friends,— may lumapit sa aming talent scout Nagbigay siya ng card, mag-audition daw kami,” say ni Jodi.
Dahil sa pangarap at tiwala ng mga kaibigan naging suki na siya ng mga go-see o pag-a-audition sa mga commercials.
“Pumunta kami ng go-see for comercial. So. punta kami nang punta pero wala talaga kaming project na nakukuha. Kasi I think napaka-specific ng hinahanap nila for commercial, hindi ba? And then, I said,” Okey na ako, at least . na-try ko, baka hindi ako para d`yan,” say pa ni Jodi.
Kahit zero pa rin siya sa pag-a-audition sa commercial ay sinubukan pa rin niyang matupad ang pangarap at nag-audtion siya para maging bahagi ng Star Magic.
“And then tumawag na naman siya (talent scout) sabi niya na may audition ang ABS-CBN looking for people to audition for the new batch of Star Cirlcle 7. I’m like, “Sige, try ko.” Nagpunta kami doon. Nag-bus kami. Pagdating doon. “Oh, my gosh. Ito na yung ABS+CBN! Ito pala hitsura niya.
“Pero noong time na yun, kung hindi man ako matanggap, okey lang. Ang gusto ko lang, makakita man lang ako ng artista,” nakangiting balik-alala ng mahusay na aktres.
Sa wakas ay pinalad si Jodi at P1,500 ang talent fee na natanggap noong nagsisimula pa lamang siyang maging artista sa youth-oriented show na “Tabing Ilog.”
“Nagtiyaga ako Karen. Kasi nu’ng time na yun, I remembered ang pinakaunang talent fee ko is 1,500 pesos. Before, kapag pumunta ka ng shoot, bitbit mo lahat.
“Bibigyan ka nila ng requirements. So, kami ni Mama, kung ano lang ang mayroon dito, kasi wala naman kaming maraming clothes, eh.
“Kasi, let’s say sumuweldo si Mama. Oh, ito lang ang budget natin. Oh, ito lang ang bibilhin natin, Oh. hindi pa sira ang sapatos, so hindi kailangang bumili ng bago,” kuwento ni Jodi.
Pero malayo na ang narating ni Jodi bilang Isang aktres at natupad na niya ang dream na makatulong sa pamilya.