NI BETH GELENA
NAPANOOD namin ang first acting stint ni JK Labajo bilang lead actor ng “Ako Si Ninoy” last February 18 sa Rockwell Cinema, Makati CIty.
Halos lahat ng nasa cast ay present sa ASN, malaki man o maliit ang kanilang role.
Ang direktor ng ASN na si Atty. Vince Tanada ay labis naman ang katuwaan dahil maging ang ibang kapwa niya direktor ay sumuporta sa movie, na nakakabilib ang kanyang pagkaka-direk.
Bilang isang bagong artista, pasado sa amin ang akting ni JK na mas unang nakilala bilang singer at composer.
Kayang-kaya ma ring makipagsabayan ni Direk Vince sa mga batikang direktor.
There are many lessons to learn sa ASN dahil hindi ‘yun isang biopic film ni dating Senador Benigno Aquino Jr.
Hindi boring panoorin ang dahil dinaan ito ay musical film.
Nagamit din ni JK ang kanyang pagiging singer lalo na noong kinanta niya ang hit song niyang “Buwan” kung saan nakakabinging masigabong palakpakan ang iginanti ng mga manonood.
Noon ang akala namin ang “Buwan” ay para sa.ex-girlfriend niyang si Maureen Wroblewitz, pero hindi pala kundi para sa mga Pilipino.
Bagay din kay JK ang role bilang si Ninoy na ang hatid na mensahe ay kung may pangarap sa buhay ito ay gawin sa tama at hindi ang manlamang sa kapwa.
Sumuporta rin ang pamangkin ni dating Senador Ninoy na si ex-Senator Bam Aquino at ang anak nila ni former President Cory Aquino na si Viel Aquino.
Sa February 22 na ang regular showing ng “Ako Si Ninoy” sa lahat ng.sinehan nationwide