Latest News

Jinkee magpapagawa ng CR sa bundok kung manalo si Pacman

Ni Julie E. Bonifacio

NAG-PROMISE daw si Jinkee Pacquiao na kapag nanalo ang mister niyang si Senador Manny Pacquiao na bagong Pangulo ng Pilipinas ay magpapagawa diya ng comfort rooms sa bundok.

Ayon kay Jinkee, ito ay para daw maproteksyunan ang mga nakatira sa bundok, lalung-lalo ang mga batang mag-aaral.


Umayon naman sa planong ito ng misis ni Pambansang Kamao ang A Teacher Partylist first nominee at dating atleta na si Coach Ryan Taclan.

Ayon kay Coach Ryan, isa daw sa mga bagong batas na ihahain nila kapag muling ma-elect sa Kongreso ay ang paghahatid ng edukasyon at serbisyo, hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa kanyang mga magulang at sa buong komunidad.

“May program kasi kami d’yan talaga. So, when you talk about the indigenous people communities, of course, hindi lahat ng tao may access sa proper hygiene, ‘di ba, water?

“Kaya gusto ko kapag nasa bundok meron tayong school, andu’n ‘yung solar panel or the water source. You have to put hygiene into consideration. Syempre, number one priority mo ‘yan, e. Healthy community. So, ‘yun ang importante,” paliwanag ni Coach Ryan.


Kaya naman approve Coach Ryan ang ideya ni Jinkee na pagpapagawa ng CR sa bundok, pero kailangan daw gawin ito na worth ang investments ng paglalagay.

“Kasi ang nakikita ko d’yan minsan papatayuan mo ng toilet, bibigyan mo lang ng toilet seat. Pero hindi mo patatayuan ng structure na kung saan ilalagay mo toilet seat, ‘yung poso-negro, ‘yung water-system.

You can see it in different DepEd schools. Maganda ba ‘yung toilet sa loob ng public schools, ‘yung totoo?” tanong ni Coach Ryan.

Maganda raw ‘yung idea na magkaroon ng toilet hindi lang daw sa kabundukan kundi maging dito sa Metro Manila.


Naku, tiyak bongga kapag itinuloy ni Jinkee ang planong ito.

Malamang na maganda at sosyalin panigurado ang mga CR na ito knowing Jinkee, di ba?

Nire-represent nh A Teacher Partylist ang mga guro at ang education sector sa Pilipinas, at layunin nilang to go beyond sa paghahatid ng edukasyon kungdi pagtulong sa iba’t ibang sektor na makakatulong sa pag-aaral hindi lang ng mga estudyante kundi pati na rin ng parents na sobrang apekstado sa kasalukuyang online classes.

Bukod kay Coach Ryan as first nominee ng A Teacher Partylist, second nominee naman si Grace Villanueva.

Unlike other partylists, walang celebrity endorser ang A Teacher.

Pero kung in case may gustong mag-volunteer sa kanila. welcome na welcome naman daw dahil wala raw kasi silang budget para kumuha ng celebrity endorser.

Kung kukuha man sila ng magiging celebrity endorser, type nila si 2018 Miss Universe Pia Wurtzbach.

“Libre, ha,” seryosong biro ni Coach Ryan.

“Si Pia Wurtzbach? Why? Beauty and brains. Una kasi, Miss Universe. Tapos, pagdating doon sa, sino ang may pinakamaraming advertisements, Pia or si Catriona? Pia, ‘di ba? Kasi mas confident siya magsalita. Saka mas Pilipino ‘yung dating,” say ni Coach Ryan.

Tags:

You May Also Like

Most Read