NI GERRY OCAMPO
NAGPOSITIBO sa COVID -19 si Jessy Mendiola noong nasa ika-limang buwang pagbubuntis.
Share ni Jessy sa kanyang Instagram: “After almost 3 years of being so paranoid and careful…I tested positive for Covid-19 last Sept. 3, I had symptoms and for me, it was the hardest 11 days of my life. It was my first time to get infected with the virus. I never thought I would get it while 5 months (and 3 weeks) pregnant.
“I`m sharing this difficult experience with you because I want to spread awareness that Covid-19 is still very much around. Even if protocol are easing up and there already is a mandate allowing people not to wear masks outdoor, I hope we still protect each other in our own little ways,
“Sa mga preggy mommies/ladies, I`m sure makakarelate kayo dito, ang hirap pala talaga magkasakit kapag alam mong may dinadala ka sa iyong sinapupunan hindi dahil sa sarili mo, pero dahil nag aalala ka talaga para sa baby/anak mo at siyempre para sa asawa mo.”
Naglabas din si Jessy ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan niya ibinahagi ang kanyang pinagdaanan sa COVID habang naka-quarantine from day 1 to day 11.
“On day 3. Napaiyak si Jessy dahil sa pangamba maapektuhan ang kanyang baby.
“Kung ako lang `to, rock and roll lang ako, eh, okay lang. But siyempre, I have a baby inside of me, inside my womb, So, I`m just hoping na it won’t affect my baby.” emosyonal niyang sinabi.
Bibilib ka naman kay Luis Manzano dahil on day 1 ay talagang hindi siya iniwan ng kanyang mister at sinabihan pa siyang matulog sa kwarto.
Okey lang kay Luis na mahawa siya tutal ay fully-vaccinated and booster naman siya.
Pero kinabukasan ay hindi na talaga pumayag si Jessy na magsama pa sila sa kuwarto at pinahiwalay na niya ito ng room dahil baka nga mahawa.
Sa day 10 ay nag-negative na si Jessy at inulit niya ulit the following day with the same result kaya lumabas na siya para puntahan si Luis.














