Latest News

Jessy, Luis ipinasilip ang hitsura ni ‘peanut’

NI GERRY OCAMPO

Walang duda na super-excited na ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na maging parents.

Panay ang update nila sa kani-kanilang social media accounts ng latest development sa pagbubuntis ni Jessy at tinawag nilang “Peanut” ang kanilang magiging first baby.

Nag-post si Luis ng video ng ultrasound ng kanilang baby sa tummy ng actress na kung saan makikita na may porma na talaga ang face ni Baby Peanut.

Marami ang naaliw sa caption ni Luis na nagpapasalamat siya kay Lord na kamukha ni Jessy ang kanilang first baby.

“Hi Baby Peanut! @senorita_jessy and i love you thank you Lord kamukha ng Mommy!”

Noong isang araw naman, nag-post si Jessy ng kanyang baby bump at sinabing officially five months preggy na siya.

Sa ngayon, inaabangan na ng mga netizen ang gender reveal ng mag-asawa.

Pero kung pagbabasehan ang naging interview ng Star For All Season Vilma Santos ay tila nasabi nito na parang casual lang na masaya siya sa magandang baby nina Luis at Jessy.

Tags:

You May Also Like

Most Read