NI BETH GELENA
NASA Pinas ngayon ang aktor na si Jericho Rosales.
Um-attend siya ng isang event at doon na -corner siya ng ilang press people. Pasakay na siya ng car nang abutan ng ilang reporters
Sa tanong sa kanya kung dito na uli siya maninirahan. bansa, sinabi ni Echo na may gagawin lang siyang pelikula at pagkatapos daw ay lilipad sila ni Piolo Pascual sa US at Canada to do some projects.
May offer daw ba ang GMA-7 or AMBS 2 sa kanya?
“Highly appreciated,” tanging sagot ng aktor.
Hindi rin nakaligtas kay Echo ang talagang purpose ng reporters kung bakit siya sinundan ng mga ito.
Kinumusta sa kanya ang misis na si Kim Jones na isang modelo.
“Good….She’s good, she’s in Paris right now and busy for Fashion Week modelling,” kuwento ng aktor.
Nang tanungin kung totoo bang hiwalay na sila tulad ng natsi-tsismis.
Napamaang ang expression ng kanyang mukha at saka sinabing: “Alright guys… I love you… thank you.”














