NI WALLY PERALTA
HABANG lumalaki ang unica hija ni JC Santos, na mag-three years old na this year, unti-unti ring nababago ang lifestyle ng aktor.
Nagiging madaldal at makulit na kasi.ang anak niya kaya pag nasa lock-in taping o shooting ay super miss niya ang anak.
“Kasi nakikita mo rin ‘yung pag-develop ng personality niya and you can feel na magiging maayos siya paglaki niya. I also enjoy having a baby ngayong pandemic kasi it’s so much fun.
“You don’t really need to go out anymore. Ansarap ng nasa bahay ka lang with your family. Kung wala sila, baka nabaliw na ako. Iba talaga yung may kausap ka at pinagkakaabalahan ka sa buhay mo,” masayang kwento ng aktor.
Pagdating naman sa kanyang carreer ay mas inspired si JC, lalo niyang ginagalingan ang akting para hindi siya nawawalan ng projects.
Need niyang kumayod nang husto para sa kanyang pamilya.
Tulad na lang dito sa bago niyang movie with Coleen Garcia, Mark Anthony Fernandez at Diego Loyzaga na “Adarna Gang” na streaming na this coming March 20 sa Vivamax.
“Nakaka-pressure ang buong cast kasi puro magagaling sila, all great actors. But it’s nice kasi nakaka-challenge din for you to give your best. You have to step up, but I enjoyed the whole thing,” say ni JC.