Latest News

JASON DY NADAMAY SA HIWALAYANG MOIRA-JASON

NI BETH GELENA

LUMABAS na ang katotohanang hiwalay na ang mag-asawang Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Last April ay may lumabas na tsika na hiwalay na ang dalawa noong makita ng kanilang followers na dinelete lahat ni Moira ang photos nila ni Jason sa kanyang Instagram account kasabay nang pag-a-unfollow nito.


Marami ang nag-speculate na hiwalay na sila.

Agad namang nag-react ni Moira kaya “pinatay” niya ang balita ng i-tag niyang muli ang kanyang husband.


Pero last May 31, na-shock ang fans at followers ng dalawa ng may inilabas silang statement sa IG ang mag-asawa.

“It is with a heavy heart that after three years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time.”


Nakakalungkot na pagkatapos ng three years of marriage ay inanunsyo nilang hiwalay na nga sila.

Inamin ni Jason kay Moira na naging unfaithful siya kay Moira during their marriage.

“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better. From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi,” pag-amin ni Jason.

Si Jason at Moira ay ikinasal noong January 2019.

Samantala, may nag-tweet naman na isang fan sa singer na si Jason Dy kung saan galit na galit ito.

Ini-screenshot ng singer ang tweet na pumasok sa kanyang account.

Ani ng netizens: “Grabe ka jason nagawa mo pang magcheat kay moira????? Ano bang kulang sa kanya di kana naawa. Mga leo talaga. Ayos ayosin nyo lang mga buhay nyo iniiwan nyo ng trauma ang tao.”

Ang tanging naging sagot ni Jason Dy: “Hindi po ako yun.”

Tags: Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez

You May Also Like

Most Read