Latest News

JANINE DINELETE SI JULIE ANNE SA LISTAHAN NG FOLLOWERS

NI BETH GELENA

HINDI unfollow kundi deleted ang ginamit na word sa ginawang pagbura umano ni Janine Gutierrez sa name ni Julie Anne San Jose sa listahan ng followers niya sa kanyang Instagram account.

Espekulasyon ng netizens kaya raw ginawa yun ni Janine dahil sa palitan ng messages ng kanyang ex na si Rayver Cruz at Julie Anne nitong nakaraang Valentine’s Day.


Mukhang hindi pa raw kasi nakaka-move on ang Kapamilya aktres.

Komento Ng netizen: “Ang bitter ng babaeng ito.”
“Oooohhhh why naman ganern???”
“Baka di nya follow talaga”
“Meron palang delete followers? Akala ko unfollow lang kebs na?”
“Ampaet… Ikaw nakipaghiwalay kay Rayver pero ikaw ang bitter jan tse!”
“Hoy janine titahin kana tigilan mo yang pabebe mo”

Matagal ang naging relasyon nina Janine at Rayver.

Kapamilya actor pa noon si Rayver at Kapuso naman si Janine nung maging maging silang dalawa.


Katunayan, kaya raw umalis si Rayver sa Kapamilya Network ay para sundan ang aktres sa GMA 7.

Kasagsagan naman ng pandemya nang lisanin ni Janine ang Kapuso Network at lumipat sa dating homestudio ni Rayver.

Marami ang nagsasabing kaya raw iniwanan ng aktres ang boyfriend dahil nagkakalabuan na raw sila.

Anyway, wala naman regret ang anak nina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon dahil may mga magagandang projects na nakahanay sa aktres.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read