NI BETH GELENA
May bagong paandar ang “Darna” Team — ito ang #DarnaAll tour.
Nag-eenjoy naman ang “Darna” lead actress na si Jane de Leon sa pagsabit-sabit niya sa estribo ng jeep kung saan siya ang sidekick ng jeepney drivers o “konduktor.”
Stop muna sa paglipad si Darna, jeepney drivers naman daw muna ang kanyang tutulungan.
Sa Makati, Guadalupe ang unang destinasyon ni Darna sa kanilang #DarnaTour.
Nakihalubilo si Jane sa mga pasahero at siya ang taga-abot ng bayad sa driver.
Na-amaze naman ang commuters dahil ang ganda raw ng konduktora ng driver.
Nagpasalamat naman ang Kapamilya aktres sa ating magigiting na jeepney drivers.
“Maraming Salamat sa mga Kapamilya nating jeepney drivers sa Guadalupe, Makati na naki-Darna kasama sina Jane De Leon, Mac Manicad at LA Santos sa #DarnaAll.”
“Abangan ang susunod na paglipad ni #Darna sa inyong lugar!? #DarnaTrueColors pic.twitter.com/FinpK5uzly — JRB Creative Production @JRBcreativeprod.