Latest News

JAMES REID RUMAMPA SA OSCARS PARTY

Ni BETH GELENA

AFTER ng insidenteng pananampal mi Oscar’s Best Actor Will Smith kay comedian-actor Chris Rock sa Oscar stage, tuloy ang party hosted by Elton John Aids Foundation, na of course ay pinangunahan ni legendary singer Elton John.

Sa Oscars party ay namataan ang Fil-Am actor-singer na si James Reid.

Tweet ni Yong Chavez, ang news correspondent ng ABS-CBN: “#JamesReid is here! He said he’s a bit starstruck at the moment — but I’d say he’s holding his own beside Hollywood stars. His publicist at first said no to interviews but glad he stopped when I yelled my affiliation haha. Great to meet and chat with him!”

Namataan niyang lumalakad sa red carpet si James sa annual Academy Awards viewing party of the Elton John AIDS Foundation (EJAF) na ginanap sa West Hollywood.

Umattend ang singer na si EJ sa binigay nilang viewing party, pero naroroon ang family nito at ang close friend niyang pop superstar na si Lady Gaga, who represented him at the glitzy gathering of Hollywood stars.

Nakipag-mingle si James sa ibang celebrities na naroroon such as Demi Lovato, Saweetie, Lea Michele, Lucy Hale.at Kevin McHale.

Sabi ni James: “It’s my first time here. It’s a very star-studded night. I’m starstruck by a lot of people I’ve met here already.”

Nasa America ang Fil-Am actor-singer para i-pursue ang kanyang international singing career.

Sa ngayon, wala pang official announcement si James kung anong project ang nagawa o gagawin niya sa LA.

Tags:

You May Also Like

Most Read