IVANA NAHIRAPANG UMIYAK

NI BETH GELENA

NAHIRAPAN umanong umiyak ang lead actress ng “A Family Affair” na si Ivana Alawi.


Inamin ito mismo ni Ivana na sa difficult scenes na kinakailangan niyang umiyak ay hindi niya agad magawa.

Kung pipilitin naman daw niya ang sarili felling niya ay nagmumukha siyang pabebe.

Pero iyon daw ay noong nag-uuumpisa pa lang siyang mag-artista


Iba na raw naman ngayon dahil nagdaan siya sa matinding workshop para sa kanyang launching teleserye kung saan required ang heavy drama scenes.

Pressured nga raw siya but she has to do it para naman daw ikagaganda ng teleserye.


Tanong sa kanya kung saan siya mas nahirapan na mga eksena sa AFA, natatawang sagot niya: “Siguro ‘yung pinaka nahirapan ako sa mga iyakan (laughs). Kasi pag umiyak ako yung pabebe lang tapos dito pag yung mga drama talagang you really have to do well and na-pe-pressure ako dun. Sabi ko oh my gosh parang, ‘Direk, pang-drama ba ako? Parang pang-comedy (laughs).”

Samantala, ang isang leading man ni Ivana sa “AFA na si Sam Milby au sinabing may intimate scene sila ni Ivana.


Pero, agad nitong ideklarang okey lang daw sa girlfriend niyang si Catriona Gray ang ginawa nila ni Ivana.

“Cat is very understanding ans is not the jealous type,” say ni Sam.



Tags: Ivana Alawi

You May Also Like

Most Read

Latest News